Pagkatapos mong makita ang iyong apoyntment, maaari mo itong ikansela o maaari mo rin i-print ang iyong liham ng katibayan na mayroon kang apoyntment.
If you are in the United States, you may request an appointment online for the following services
Kung ikaw ay kasalukuyang nakatira sa loob ng Estados Unidos, hindi ka na maaaring makapagtakda ng apoyntment gamit ang InfoPass para sa mga lokal na opisina. Pero, maaarimong tignan ang estado ng iyong kaso, tignan ang mga oras ng pagproproseso namin ng mga kaso, palitan ang iyong isinaad na tirahan, at gamitin ang ibang kasangkapan sa aming website.
Kung hindi makakatulong ang mga kasangkapan na nasa aming website para sa iyong pangangailangan, paki- tawagan ang USCIS Contact Center upang makahingi ng apoyntment.
Language translation options are limited for appointment requests at this time. If you are unable to complete the form in the following languages, you may contact the contact center for further assistance.
Available translations for requesting an appointment:
Kung ikaw ay nakatira sa labas ng Estados Unidos, piliin ang internasyonal na opisina ng USCIS na may sakop sa iyong tirahan upang makapagtakda ng apoyntment.
Maaari ka lamang makapagtakda ng apoyntments online kung ang kaso mo ay:
Kung ikaw ay nagtakda ng apoyntment para sa kaso na hindi sakop ng mga batayan ng kapasyahan na nakalista sa itaas, ikakansela ng USCIS ang iyong apoyntment.
Para sa mga pangkalahatang tanong, magpunta sa uscs.gov. Hanapin mag-isa sa website ang impormasyon o makipag-chat kay Emma, ang aming virtual assistant.
Libre ang lahat ng mga form ng USCIS. Makukuha ninyo ang mg aito mula sa aming website o orderin ang mga ito sa telepono. Kung hindi mo alam kung aling form ang kailangan ninyo, makakatulong kaming siyasatin ang iyong mga opsyon.
Magsumite ng application ng personal?
Ako ay isang permanenteng residente at hindi ko pa natatanggap ang aking Green Card.
Ang karamihan sa aming mga form ay maaari lang isumite sa pamamagitan ng koreo. Balikan ang mga instruksyon sa pagsusumite para sa form na nais mong isumite para makita kung maaari ninyo ito ibigay nang personal. Maaari mo ring i-sumite ang ilang mga application online.
Kung ikaw ay nag-apply para sa benepisyo ng imigrasyon at hindi ninyo natanggap ang dokumentong inaasahan mong matanggap, maaari kang magtanong sa amin sa pamamagitan ng paggamit ng E-request. TALA: Huwag mag-sumite ng katanungan kung ang iyong kaso ay kamakailan lang naaprubahan. Mangyari lang bigyan ng humigit kumulang sa 60 na mga araw para matanggap ang iyong dokumento. Maaari mong tingnan ang katayuan ng iyong kaso sa pamamagitan ng paggamit ng Manage Your Case Tool. Kung ipinapahiwatig sa Manage Your Case Tool na naipadala na ang iyong card sa koreo, kayo ay bibigyan ng isang U.S. tracking number para sa U.S. Postal Service.
Nais kong mag-sign in sa aking online na account para sa USCIS o gumawa ng bagong account.
Gusto kong tingnan ang katayuan ng aking kaso
Kung sa tingin mo ay mas matagal pa ito sa iyong inaasahan, o hindi ka nakatanggap ng abiso, itiketa, o dokumento na galing sa koreo, maaari kang gumawa ng onlayn na akawnt para sa USCIS at maaari kang Ligtas na Magpadala ng Mensahe upang direkta mo kaming makausap.
Ang mga appointment sa USCIS ay libre. Kung mayroon kang kilalang nagbebenta ng appointment, tumawag sa USCIS Contact Center sa (800) 375-5283.
Huwag magdala sa appointment ng anumang gunting, mga lumiliyab na likido (kabilang na ang mga aerosol spray at mga bote ng pabago), mga kutsilyo, mga nail clipper, mga tsani at iba pang matutulis na gamit.
Maliliit ang mga opisina. Ang mga tao lang na kailangang dumalo ang maaaring magpunta. Magsama ng tagasalin ng wika kung kailangan ninyo ng katulong sa pagsasalin ng wika.
Mangyari lamang na dumating ng 15 minuto bago ang iyong oras upang makadaan sa security checkpoint at check in. Huwag dumating nang mas maaga sa 15 minuto. Kapag ikaw ay mahuli, kakanselahin ang iyong appointment at kakailanganin mong magpa-schedule muli.